Disyembre 13, 1642 nang nadiskubre ng Dutch navigator na si Abel Tasman ang New Zealand, na matatagpuan sa katimugan ng Pacific Ocean, habang tinutunton niya ang malaking bahagi ng katimugang kontinente sa paglalayag. Umasa ang mga negosyanteng Dutch na ang tuklas na ito ay magbibigay-daan sa mas maraming oportunidad sa kalakalan.

Sa pagtatangka ng grupo ni Tasman na dumaong, ang ilan sa kanyang mga tripulante ay napatay ng mga mandirigma ng tribu sa South Island, na inakalang ang tunog ng trumpeta ng grupo ng dayuhan ay nangangahulugan ng digmaan.

Noong huling bahagi ng ika-18 siglo, naging interesado ang mga European sa New Zealand matapos na maglayag ang English navigator na si Captain James Cook sa lugar noong 1769, at nagsulat ng detalye ng kanyang naging karanasan.

Pagkatapos nito, bumisita rin sa isla ang iba pang manlalakbay, gaya ni Jules Sebastien Cesar Dumont d’ Urville.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang pangalan ng New Zealand ay hango sa probinsiyang Dutch na Zeeland.

Noong 1840, opisyal na tinanggap ng United Kingdom ang mga isla sa New Zealand bilang bahagi nito, at itinatag sa Wellington ang unang permanenteng settlement sa Europe.