BEIJING (AP) — Mas mabilis na tumatanda ang mga bansa sa Asia kaysa ibang bahagi ng mundo, at kailangan na kaagad ireporma ang pension systems nito at hikayatin ang mas maraming babae sa labor force, sinabi ng World Bank sa isang ulat noong Miyerkules.
Pagsapit ng 2040, ang tumatandang populasyon ay maaaring paliitin ang working-age population ng mahigit 15 porsyento sa South Korea at mahigit 10 porsyento sa China, Japan at Thailand, ayon sa “Live Long and Prosper: Aging in East Asia and Pacific” report. Sa China, ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng 90 milyong manggagawa.