KABUL (Reuters) — Napatay ang huli sa 11 rebeldeng Taliban na pumasok sa Kandahar airport noong Miyerkules, mahigit 24 oras matapos ilunsad ang pag-atake, sinabi ng Defense Ministry, at umakyat sa 50 ang namatay na sibilyan at security forces.

Ang atake sa isa sa pinakamalaking air base sa Afghanistan ay kasabay ng regional peace conference sa Pakistan kung saan hiniling ni President Ashraf Ghani ang tulong ng Pakistan upang muling masimulan ang usapang pangkapayapaan sa Taliban na nabigo nitong unang bahagi ng taon.

Sa kabuuan, 38 sibilyan, 10 sundalo at dalawang pulis ang namatay sa labanan, habang 37 security forces at sibilyan ang nasugatan.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'