Hindi lahat ng retirado at senior citizen ay awtomatikong lifetime member ng PhilHealth.

Sa regular na Kapihan with the PCEO, binigyan-diin ni Atty. Alexander Padilla na kailangang nakapagbayad ng 120 buwan ang isang retiradong miyembro para makonsiderang lifetime member.

Aniya, ang lifetime member ay hindi na kailangan pang magbayad ng premium o kontribusyon upang mapagkalooban ng mga benepisyo.

Nilinaw din ni Padilla na hindi lahat ng senior citizen ay automatikong sasagutin o babalikatin ng gobyerno ang bayaring premium, lalo na kung ang mga ito ay mayroon pang trabaho.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinabatid niya na aabot sa apat na milyong senior citizen ang miyembro ng PhilHealth, na saklaw, kasama ang mga indigent, ng P43.43 bilyon inilaan para sa premium payment sa 2016.

Inihayag din ni Padilla na nasa 90 milyong Pinoy na ang miyembro ng PhilHealth o 88 porsiyento ng kasalukuyang populasyon.

Aniya, patuloy ang pagpupursigeng masakop ng PhilHealth benefits ang natitirang 12 porsiyento, na karamihan ay nasa informal economy, gaya ng mga katutubo at mahihirap. (Mac Cabreros)