KRIS copy

HINDI nakarating si Kris Aquino sa grand presscon ng All You Need is Pag-ibig kahapon sa Dolphy Theater dahil 4 AM na siya na-pack up sa shooting at nawalan na ng boses sa sunud-sunod niyang puyat. Minabuti niyang hindi na pumunta dahil hindi rin naman siya makakausap ng reporters.

Hinayang na hinayang tuloy ang entertainment writers na gusto siyang makatsikahan at maraming gustong itanong sa kanya sa rami ng isyu.

Bukod du’n, “Sayang, wala si Kris, wala tayong pa-raffle kasi, di ba, tuwing presscon niya ng Metro Manila Film Festival nagpapa-raffle siya.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Oo nga naman, Bossing DMB, ito ang pagkakataong nagsi-share si Kris ng blessings sa entertainment press na love, love, love niya.

Anyway, nalaman namin na suhestiyon ng Queen of All Media ang title na All You Need is Pag-Ibig ng pelikula.

Kasama nina Kris at Derek Ramsay sa cast sina Kim Chiu, Xian Lim, Pokwang, Ronaldo Valdez, Nova Villa, Bimby at Concio sisters na sina Julia at Talia, Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone under Star Cinema. (REGGEE BONOAN)