Gabby copy

TYPE ng kuya ni Andi Eigenmann na si Gabby Eigenmann na magkabalikan ang una at ang ex-boyfriend nitong si Jake Ejercito dahil maganda ang nakikita niya sa samahan ng dalawa.

“I think they’re friends, magkasama sila nu’ng birthday ni Ellie, I think they’re okay,” kuwento ni Gabby.

Super close sina Andi at Gabby at sa katunayan ay tinawagan siya ng aktres nu’ng may lumabas na balitang si Jake ang itinuturing na ama ng anak nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I agree, sa akin kasi, the way that Jake show kung anuman ‘yung pinagdaanan ni Andi nu’ng nabuntis siya hanggang sa nanganak siya, Jake was there, very supportive all the way. Nakita namin ‘yung nagmahalan sila hanggang sa nag-break, nagkabalikan at nag-break ulit,” sabi ng aktor.

Kung dati ay mega-react ang nanay ni Jake na si Laarni Enriquez tungkol sa relasyon ng anak kay Andi, “Hindi na kasi ipinapakita ni Jake kung ano ‘yung kabutihang kinalakihan niya. With regards to Andi naman, everyone is entitled to their own opinion, kung lumabas dati na ayaw nila kay Andi.”

Puring-puri ni Gabby si Jake na laging present sa lahat ng mahahalagang okasyon ni Ellie, “parang inaako niya lahat.”

Maraming naiintriga kung bakit mahal na mahal ni Jake ang anak ni Andi, kaya iisa ang tanong ng lahat, si Jake ba ang ama ni Ellie?

“Siguro kasi Andi and Jake known each other since they were kids pa, so kung anuman ‘yung naging relasyon nila growing up hanggang sa naging sila and nabuntis pa, ang maganda kay Jake is he’s with her, friends talaga sila. Ako gusto ko silang magkabalikan, pero siguro sa tamang panahon.

“Alam naman ni Andi kung ano ang gusto ko and she respects it, pero hindi dahil gusto ko ay kailangang gawin niya,” katwiran ng aktor.

Hindi raw babaero si Jake.

“Image lang naman ‘yun, hindi naman totoo ‘yun. Sa ipinakita niya sa amin, hindi naman. I know Jake, eh. So what kung may mga friends na babae at nakikipag-date siya, pero sa nakikita ko, wala naman, eh. Puro hocus-focus lang,” say ni Gabby.

E, si Andi na playgirl naman daw?

“Pinagsasabihan ko siya (Andi), sabi ko, ‘it’s okay to go out, you’re an adult na, but it necessarily mean na you go out on date every night with different guys. Ano (aware) naman si Andi, ang lagi kong sinasabi sa kanya ay ‘yung anak niya, it’s okay to come home at night, to party but at the end of the day, spent most of your time sa anak niya. Nakikinig naman siya. ‘Pag depress lang, hindi mo puwedeng kontrolin.”

Mabuti pa kay Gabby nakikinig at close si Andi, sa Mama Jacklyn Jose nito ay hindi yata.

“Hindi naman, nakikinig din, ano lang, kasi ako na lang ‘yung natitira, being a kuya, parang daddy na rin, what matters to her is my opinion. Sabi ko nga, I respected that because I feel I’m respected, pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanya na ayaw ko ‘yan, gawin mo ‘to or ganyan. Basta ito ang sa akin, kung ano ang gusto mong gawin, bahala ka, basta ito lang ang sa akin, bahala ka.”

Nabanggit din ni Gabby na wala siyang nararamdamang galit kay Albie Casiño dahil out naman siya sa isyu.

“Nagkita kami sa isang event, wala lang, chance na magbatian kasi sa CR kami nagkita, eh, ihing-ihi na ako no’n, paglabas ko, wala na siya. Hindi kami nakapagpansinan.

“If ever ako naman ang babati, sasabihin ko, ‘what’s up bro, congratulations sa On The Wings of Love, hindi ko naman away ‘yun. At kung may away, bakit kailangang ma-drag kami?” sabi ni Gabby.

“I have nothing against Albie, nothing against Jake at doon sa nagpapasaya sa kanya ngayon, hindi pa namin nakikilala, eh. Sa akin lang, as a person, I cannot hate, pero kung tatanungin ako kung gusto ko sila para sa kapatid ko, madali lang sagutin ‘yun. Pero as a person, I can’t say I hate him or what.” (REGGEE BONOAN)