“KUNG pumayag akong maging vice-president na lang,” wika ni Sen. Grace Poe, “wala na sana itong mga disqualification cases laban sa akin.”

Ibinibintang ng senadora ang pagsasampa ng mga kasong ito kina VP Binay at Mar Roxas, na pareho niyang kalaban sa pagkapangulo. Ang dalawa ring ito ang naghangad na maging vice-president siya. Kahit pumayag siyang maging vice-president ng kahit sino hindi mababago ang kanyang pagiging foundling na walang nakikilalang magulang. Hindi rin mababago ang kalagayan niyang ito kahit totoong may kinalaman sina VP Binay at Roxas sa mga hinaharap niyang disqualification cases.

Isa sa mga kuwalipikasyon para sa pagkapangulo ay natural born citizen. Bukod sa residency, ito ang batayan ng disqualification cases ni Sen. Poe. Hindi siya natural born citizen. Bagamat dito sa bansa natagpuan ang senadora noong siya ay sanggol pa lang, hindi naman niya alam kung sino ang kanyang mga magulang. Sa ilalim ng Saligang Batas, lahat na ang mga magulang ay Filipino citizen ay Filipino citizen din. Lahat ng Filipino citizen ay natural born maliban na lang kung sila ay naturalized o naging Pilipino sa pamamagitan ng isang proseso na itinatakda ng batas. Dahil walang tumatayong magulang ang senadora, hindi siya natural born dahil walang pagbabatayan ang kanyang citizenship.

May international convention o international law na nagsasaad na ang foundling, tulad ng senadora, ay citizen ng bansa kung saan siya natagpuan. Totoo, bahagi ng batas ng bansa ang mga international law tulad nito. Pero, kung ang mga ito naman ay salungat sa ating batas, lalo na sa ating Saligang Batas, ang ating batas ang nananaig. Kaya mangingibaw ang ating Saligang Batas na nagsasabi na ang citizen ng bansa ay iyong ang magulang ay citizen din nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Saligang Batas, na nagtatakda ng mga kuwalipikasyon, ay dapat daw na bigyan ng liberal na kahulugan pabor sa karapatan ng kandidato at ng taumbayan na pumili ng mga mamamahala ng gobyerno. Ang kuwalipikasyong isinasaad sa Saligang Batas ay para sa ikabubuti ng mamamayan at bayan. Nais nito na ang kandidato ay natural born citizen upang masiguro na kapag ito ay nahalal ay gaganap sa kanyang tungkulin bilang Pilipino sa puso, isip at gawa.

(RIC VALMONTE)