Inoobserba ng mga Katoliko ngayong araw ang Kapistahan ng Immaculate Conception.

Bilang pagdiriwang, iba’t ibang imahe ng Banal na Birheng Maria ang karaniwang ipinaparada sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang parangal sa kanya.

Gayunman, ipinaliwanag ng isang pari na deboto ni Maria na ang prusisyon ay hindi tungkol sa magagandang kasuotan o carroza ng imahe kundi ito ay tungkol sa debosyon sa Banal na Ina.

“We see it as very grand because of the carrozas, the band and so on but its not about that,” sabi ni Fr. Melvin Castro ng Diocese of Tarlac.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“This is just the devotees way of expressing their love to the Blessed Mother. That’s why you see the image dressed beautifully and adorned with crown,” dagdag niya.

Binigyang diin ni Castro na napakasimple ng Banal na Birheng Maria.

Ipinaliwanag din ng pari na mayroon mang iba’t ibang titulo ang Banal na Birheng Maria, dapat ay walang paligsahan sa kung aling imahe ang pinakamaganda o milagroso.

“There should be no contest which statue is the most beautiful or miraculous because they are all the same, the Blessed Virgin,” sabi ni Castro.

Ngunit ang pinakamahalagang titulo ng Banal na Birhen, ayon sa pari, ay siya ang Ina ng Anak ng Diyos.

(Leslie Ann Aquino)