ALDEN AT MAINE copy

PAPALAPIT na nang papalapit ang December 25, ang Pasko na siya ring simula ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) at mukhang ready na ang lahat ng walong official entries.

Ang parade na magtatampok sa walong karosa ng bawat pelikula ay gaganapin sa December 23 simula sa SM Mall of Asia grounds, lilibot sa main streets at magtatapos sa Luneta Grandstand.

Ngayon pa lamang, marami na ang nagtatanong kung ano ang mangyayari sa float ng My Bebe Love #Kilig Pa More na sasakyan nina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza? Makalakad daw kaya ito kung maraming fans ang gustong makita nang malapitan ang phenomenal love team?

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kahit kasi napapanood sa kalyeserye, madalas na split screen ang kulitan nila kasama ang tatlong lolas at never pang nakitang magkasama in public. Sa Walk for Fame ni Kuya Germs, expected ng AlDub Nation na makikita na nilang magkasama ang dalawa, pero si Maine lang ang naka-attend, wala si Alden dahil nagkasakit at pinayuhang magpahinga. 

Sa PMPC Star Awards for TV, pareho silang nominated at sure winner na sila ng Power Tandem na ibinigay ni Kuya Germs, kasama ang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil. Pero wala naman si Maine, na ayon kay Alden ay may prior commitment. Si Alden ang labis-labis na pinagkaguluhan ng fans. Paano nga kaya kung magkasama na in public sina Alden at Maine?

Mukhang gusto ring malaman ng producers ng movie ang magiging reaction ng mga tao kapag nakita nang magkasama in public sina Alden at Maine. Sa pamamagitan ng kalyeserye ng Eat Bulaga last Saturday, ginawa ang first date ng magka-love team. Silang dalawa lamang ang magkasamang pumunta sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa City, Laguna. Hindi nila ipinasara ang theme park para mag-solo ang AlDub, sa halip ay nakasama sila ng maraming namamasyal roon na nagulat sa pagdating nila.

Pero nakita nga kung gaano kahirap sa mga security personnel ang pagbibigay ng proteksiyon sa AlDub. Ang maganda lamang, very protective ni Alden kay Maine, at hindi niya hinayaang masaktan ito sa pangungulit ng fans na gustong makalapit sa kanila. Umiyak nga lamang si Maine nang sumakay sila sa Ekstreme Tower Ride na umakyat sa napakataas na level at biglang bumaba, kaya naman inalo siya ni Alden nang makababa na sila.

Magkakaroon na ng press conference ang movie at may premiere night sila sa December 21, paano kaya ito iha-handle ng M-Zet Productions ni Vic Sotto, OctoArts Films ni Orly Ilacad, APT Entertainment ni Tony Tuviera, Meda Productions ni Ai Ai delas Alas at ng GMA Network? (Nora Calderon)