LONDON (AFP) — Isa ang namatay sa paghagupit ng bagyong Desmond sa buong Britain, dala ang malalakas na ulan at hangin at nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

Isang 90-anyos na lalaki ang namatay malapit sa north London Underground station noong Sabado matapos siyang dalhin ng malakas na hangin sa tabi ng tumatakbong bus, ayon sa pulisya.

Lubog naman sa baha ang northwest England na umaabot hanggang baywang ang tubig sa ilang lugar.

Nagdeklara ang Environment Agency ng England ng mahigit 130 flood warning, halos karamihan ay sa hilaga, at mahigit 40 dito ay matindi o mapanganib sa buhay.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'