LEGAZPI CITY – Hinimok ni Albay Gov. Joey Salceda ang kanyang mga kalalawigan na tanging mga lokal na produkto ang bilhin at kainin sa buong pagdiriwang ng Karangahan Green Christmas Festival, para makatulong sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.

Nasa ikalimang taon na ngayon, layunin ng isang-buwang Karangahan Festival na bigyang-diin ang programa ng lalawigan sa pangangalaga ng kalikasan kaya ipinagbabawal ang mga paputok at plastic.

Kinakatawan din nito ang mga artisan na lumilikha ng kanilang mga produkto, kasama na mga lutong Albayano na isinusulong ng ‘Culinaria Albay.’

Kaugnay ng kapistahan, ang Green Christmas Tree ng Albay ngayong taon ay gawa Karagumoy, isang halamang ginagamit sa handicraft products ng probinsiya. May taas na 36 na talampakan, ang Christmas Tree ay gawa sa 3,750 tali ng Karagumoy na may 250 strips bawat tali, mula sa 937,500 dahon ng halaman.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Noong 2012, ang Christmas Tree ng probinsiya ay gawa sa mga binhi ng Pili, yari naman sa mga bunot ng niyog noong 2013, at gawa sa kamote noong nakaraang taon.