STA. ROSA, Nueva Ecija - Pinaniniwalaang natuldukan na ang pamamayagpag ng carnapping activities sa bayang ito makaraang masakote ang matinik na carnapper sa inilunsad na manhunt operation ng pulisya nitong Martes.

Batay sa ulat ng Sta. Rosa Police kay Mayor Josefino “Otep” Angeles, nakilala ang suspek na si Juanito Cruz y Simbulan, 47, may asawa, ng Sitio Sumulong .

Naaresto si Cruz sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Nelson Tribiana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 34 sa Sto. Domingo, sa kasong carnapping. Pangsiyam siya sa most wanted ng Sta. Rosa Police. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?