Patay ang isang 56-anyos na ginang habang apat na iba pa ang nasugatan nang magkasalpukan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa national highway sa Barangay 13, Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte, kamakalawa ng tanghali.

Sinabi ng pulisya na nalagutan ng hininga si Adelaida L. Udasco, ng Bgy. 20, Tabungao, Pauquin, habang ginagamot sa isang ospital.

Nasugatan si Resty D. Estapa, 21, driver ng tricycle; at dalawang pasahero niya na sina Marvin D. Daporsa, 22, ng Bgy. Malideg, Quirino, Ilocos Sur; Emeflorie Cabilig, 54, ng Bgy. 20, Tabungao, Pasuquin; at Ronald R. Castillo, 28, driver ng Yamaha Sniper, at residente ng Bacarra, Ilocos Norte. (Freddie G. Lazaro)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20