Sinimulan ng San Beda College ang kanilang 6-peat campaign sa pamamagitan ng 11-0 paggapi sa Emilio Aguinaldo College, sa pagbubukas kahapon ng 91st NCAA football competition sa Rizal Memorial Football field.

Nagtala ng 4 na goals si Ralph Abriol para sa Red Lions na nagposte ng 5-0 bentahe sa first half.

"We really went for a big win because we want this first game dictate what its going to be like for us this season," ayon kay San Beda assistant Christopher Pediamonte.

Sinimulan ni Miguel Caindec ang scoring para sa tropa ni coach Aris Caslib sa pamamagitan ng isang quick strike sa 8th minute.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

"The good thing about this team is that anyone can step up when called upon," ani Pediamonte.

Sa iba pang laban,tinalo ng Arellano University ang Mapua, 6-1. (Marivic Awitan)