Nalason ang may 97 trainee ng Police Regional Office (PRO)-13 makaraang makakain ng adobong manok at ginataang kalabasa sa Surigao City, Surigao del Norte, iniulat kahapon.

Nakalabas na ng ospital ang 70 sa 97 police trainee na nalason sa kinaing tanghalian.

Kuwento ni Jonathan Sequina, isa sa police trainees, sumakit ang kanyang tiyan matapos siyang makakain ng adobong manok at ginataang kalabasa.

Sinabi ni Supt. Russel Caballero Maca, regional training director ng Camp George T. Barbers Training School sa Barangay Lipata, Surigao City, na ligtas na ang trainees maliban sa 27 nananatili sa Caraga Regional Hospital (CRH).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Dr. Luis Logarte, ng CRH, hinihintay pa nila ang resulta ng laboratory tests, samantala naglunsad na rin ng imbestigasyon ang Surigao City Health Office. (FER TABOY)