ARIES [MAR 21 - APR 19]
Hindi pa nabubuo ang picture kaya hindi sharp ang mga detalye. Kung hindi ka magmamadali, everything will be according to plan.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
Don't overestimate ang health ng iyong bank balance. Maaaring salungatin ng someone na nagtitipid ang iyong desires.
GEMINI [May 21 - Jun 21]
This is not the right time na ayusin ang isang misunderstanding sa iyong Family Department. Hayaan silang ayusin ang kanilang sarili.
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
May indication na hindi mo maa-accomplish ang big tasks sa iyong listahan in this cycle. Sa small tasks ka magiging sure winner.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
Suddenly, kaya mo nang mag-absorb ng mas maraming information. May opportunity ka na mabuo ang malaking puzzle.
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
Nasaan ang sunog? Lumilindol ba? Better na iakma ang iyong reaction sa situation, otherwise magbibigay ka ng maling signal.
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
Nasa iisang wavelength ka at ang iyong someone special in this cycle. Nagkakaintindihan kahit hindi kayo actually nag-uusap.
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Master mind - ito ang role na dapat mong subukan in this cycle. You have the ability na mag-isip ng way para mapadali ang trabaho ng iba.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
Gamitin ang iyong good judgment kaysa maging judgmental. Need mong maging careful sa mga taong maigsi ang pasensiya.
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
Sundin agad ang romantic impulse. Kung feel mong magpa-impress sa iyong significant someone, nakasindi na ang green light.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Mapapapahiya ka today sa presence pa ng iyong special someone. There is a certain cuteness sa incident kaya okay lang.
PISCES [Feb 19 - Mar 20]
Hindi nagugustuhan ang iyong attitude. Sorry na lang sa kanya because hindi lahat puwede mong pasayahin. Be yourself always.