communion

ALL’S well that ends well between Kris Aquino and James Yap na nagkaisyu dahil inakala ni Kris na hindi sinagot ng ex-husband ang text niya inviting him to attend Bimby’s First Holy Communion.

Miscommunication ang nangyari at ang ginagamit nilang gadgets ang may kasalalan -- iPhone kay Kris at Samsung kay James -- kaya hindi natanggap ng una ang sagot ng huli sa kanya.

It was nice of Kris to post on her Instagram (IG) account her’s and James exchange of texts and in fairness, sumagot nga si James sa text invite ni Kris ng, “Hi Kris, may rehearsal si Bimb today? Pupunta ako. Thanks.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasunod nito ang post ni Kris ng paglilinaw na inilabas na ng aming editor kahapon.

Nag-post din si James sa IG niya ng pictures nilang tatlo ni Kris at Bimby, habang nagko-communion si Bimby. May picture rin na kasama nila si Josh, Vice Ganda at siblings ni Kris.

“Bimb, congratulations on your First Holy Communion. Palagi mong gawing gabay si God hanggang sa paglaki mo. I love you so much, my son at ang love ko sa ‘yo ay isang bagay na ‘di kayang alisin ng nino man sa akin. God bless you anak at napakaligaya ni Papa na nagkasama tayo muli,” caption ni James sa picture nila.

Muling silang nakumpleto, at least kahit pansamantala lang, naging happy family uli sila. (NITZ MIRALLES)