Muling patutunayan ng Isuzu Philippines Corporation (IPC) na ang mga produktong sasakyan nito ay “Hari ng Tibay” sa ikinasang Isuzu Road-Fest na gaganapin sa Bonifacio Global City open grounds na magsisimula bukas hanggang Linggo, Nobyembre 27-29.

Mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pinoy na isabak ang bagong Mu-X SUV at DMAX pick up, na may pinalakas na 3.0-liter engine, sa inilatag na off-road course upang mapatunayan ang kakayahan ng mga itong tumawid sa ano mang kondisyon ng kalsada gamit din ang modernong teknolohiya sa 4x4 system.

Masusubukan din ang lakas ng loob at determinasyon ng mga magmamaneho ng DMAX at Mu-X sa pagtawid sa articulated ramp station, roller slip, at 40-degree traverse angle ramp.

Bilang finale, siguradong patatayuin ang balahibo ng driver sa pagsabak sa 20-footer inclined steel ramp, na mas kilala bilang “thrill hill,” sakay ng dalawang dekalidad na Isuzu vehicle.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Mayroon ding static display ng mga customized Isuzu vehicle at club meet ng mga Isuzu vehicle owner bukod pa sa raffle promo para sa mga bibisita sa Road-Fest.

Mistulang party gabi-gabi ang naghihintay sa mga Isuzu vehicle enthusiast dahil sa pagtatanghal ng mga sikat na banda tulad ng Itchyworms sa Nobyembre 27, DJ Nix Damn P sa Nobyembre 28 at The Dawn sa Nobyembre 29.

(ARIS R. ILAGAN)