WELLINGTON (AFP) — Nilusaw ni Vanuatu President Baldwin Lonsdale ang parliament at nagpatawag ng snap election matapos yanigin ng corruption scandal ang gobyerno sa pagkakakulong ng 14 na mambabatas noong nakaraang buwan dahil sa panunuhol, iniulat ng local media noong Miyerkules.
Nagtalumpati sa bansa noong Martes ng gabi, tinawag ni Baldwin ang sitwasyon na “man-made disaster”, iniulat ng Vanuatu Post.
Inanunsyo ng Pangulo na ginagamit niya ang kanyang constitutional powers para lusawin ang parliament at magtatakda ng halalan.