WASHINGTON (AFP) – Naglabas ang United States ng worldwide travel alert noong Lunes na nagbababala sa mamamayan ng America ng “increased terrorist threats” matapos ang mga pag-atake sa Paris.

Isang malawakang manhunt ang nagaganap ngayon sa France at Belgium para sa Belgian-born na si Salah Abdeslam, ang pinaghihinalaang utak ng magkakaugnay na pamamaril at suicide bombing noong Nobyembre 13 na inako ng Islamic State group.

Nasa heightened alert ang United States matapos ang mga pag-atake na ikinamatay ng 130 katao.

“Current information suggests that ISIL (aka Daesh), Al-Qaeda, Boko Haram and other terrorist groups continue to plan terrorist attacks in multiple regions,” saad sa travel advisory ng State Department.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

“US citizens should exercise vigilance when in public places or using transportation,” ayon dito, pinapayuhan ang mga Amerikano na iwasan ang malalaking pagtitipon at matataong lugar at “exercise particular caution during the holiday season.”

Binanggit ang mga pag-atake kamakailan sa Denmark, France, Mali, Nigeria at Turkey, tinukoy din nito ang banta ng “lone wolf” attacks ng mga taong naakit ng mga teroristang grupo.

Ang paalala, magpapaso sa Pebrero, ay nagbabala na “the likelihood of terror attacks will continue as members of ISIL/Daesh return from Syria and Iraq.”

Ang tinutukoy nito ay ang mga banyagang mandirigma na umuwi matapos makipaglaban kasama ang mga IS extremists.

“Extremists have targeted large sporting events, theaters, open markets and aviation services,” dagdag sa paalala.

Karaniwang naglalabas ang State Department ng individual country travel alert, ngunit ang babalang ito ay bibihirang “worldwide travel alert” na inilabas matapos ang serye ng mga pag-atake.