MASARAP interbyuhin si Rafael Rosell, para siyang libro na ang daming naisi-share na information sa kausap, lalo na sa organic at natural farming at sa pagiging vegan niya.

Alam niya kung anong herbs ang pamalit sa preservatives na ginagamit sa pagluluto para sumarap ang pagkain.

Para hindi mahirapan maghanap ng herbs, nagtanim si Rafael ng iba’t ibang herbs, may garden siya sa kanilang bahay sa Antipolo. Total vegan na si Rafael, out na sa food intake niya ang eggs, dairy products at matagal nang tumigil sa pagkain ng meat at fish.

Wala na rin siyang sugar at salt at kung meron man, substitute na lang nito ang tine-take niya. Vegetables and fruits na lang ang kinakain niya and he is a fine example of a human being na nagsu-survive on veggies and fruits alone.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

Tinikman namin ang vegan cake na ibinigay sa kanya nang ini-endorse niyang Obra ni Juan apparel, masarap naman, kaya lang hindi pa sanay ang dila namin sa vegan cake, kaya kahit Blackberry cake pa ito, hindi namin naubos ang isang slice na ibinigay sa amin.

Paboritong iniimbita si Rafael ng farmers na nagsusulong ng plant based food at nitong huli, naimbitahan siya sa 1st Annual Roselle Festival sa Tanay Rizal in honor of Odette Alcantara. Kasama sa festival ang sampling ng Roselle Iced Tea na galing sa bulaklak na kung i-describe ni Rafael ay parang gumamela.

Pero kahit focused si Rafael sa pagsusulong ng organic at natural farming at pagiging vegan, hindi pa rin niya iiwan ang showbiz. In fact, may bago siyang soap sa GMA-7, kasama siya sa cast ng primetime teleserye na Because of You na magpa-pilot sa November 30 sa direction ni Mark Reyes.

Challenge kay Rafael ang role ni Oliver na isang fashion photographer at runaway groom at mang-iiwan kay Carla Abellana sa altar sa araw ng kanilang kasal. Sabi niya, hindi siya magugulat kung marami ang magalit sa karakter niya na isang a—hole sa Because of You. (NITZ MIRALLES)