Pitong katao, kabilang ang isang babae, na pawang hinihinalang drug pusher ang dinakip sa anti-drug operation ng Provincial Anti-Illegal Special Operations Task Group (PAIDSOTG) sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa nakalap na impormasyon mula sa tanggapan ni Supt. Rommel Javier, hepe ng PAIDSOTG, kinilala ang mga nadakip na sina Jon Jon Dones, 38, may asawa; Rolando Arcal; Rico Arindela, pawang ng Barangay Julugan 7, Tanza; Buena Reyes Abueg, ng Bgy. Lambingan, Naic; Nicasio Arañas at asawang si Gloria, ng Bgy. Biga, Tanza, Cavite.

Narekober mula sa mga suspek ang isang .38 caliber, 19 bala ng .9mm, isang improvised explosive, mga magazine, timbangan, 101 plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia. (Beth Camia)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog