Isang Korean ang namatay habang sugatan naman ang kanyang asawa makaraan silang mabundol ng jeep habang tumatawid sa kalsada, sa tapat ng simbahan sa La Paz, Iloilo City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Iloilo City Police Office (ICPO), tumatawid si Kwun Young Kwi sa tapat ng St. Clemens Church sa Batud, La Paz, kasama ang asawang si Eu A Lee, kapwa ng Jordan, Guimaras, nang mabangga sila ng jeepney.

Nakapiit na ngayon ang driver ng jeep na si Eddie Dimabibas, ng Dumangas, Iloilo. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog