Patay ang dalawang paslit makaraang malunod matapos silang itulak ng kanilang kalaro habang naghaharutan sa tabi ng ilog sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nalunod na sina Adonis Collado Volante, siyam na taong gulang, ng No. 65 Rambutan Street, Area 6, Barangay Capri, Novaliches; at isang “Potpot,” Grade 3 student, ng Area 4, Barangay Capri.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naglalaro ang dalawa kasama ang isang 13-anyos na lalaki sa tabi ng Tullahan River, sa tapat ng North Wind Subdivision sa Novaliches, nang itulak ng huli ang mga ito sa ilog habang naghaharutan dakong 1:30 ng hapon nitong Linggo.

Tumanggi ang pulisya na pangalanan ang suspek dahil ito ay menor de edad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinangka rin ni Edgar Ramilo, 12-anyos, na sagipin ang dalawa subalit huli na ang lahat nang maiahon ang mga ito mula sa ilog.

Sinabi ng pulisya na tumakas ang suspek matapos ang insidente. (Francis T. Wakefield)