Dalawang freethrows ang ipinasok ni Danica Jose upang isalba ang Ateneo, 65-62, kontra University of the East (UE), 65-62, upang makamit ang karapatang hamunin ang second seed La Salle kahapon sa stepladder semifinals ng UAAP Season 78 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Itinaas ni Jose ang kanilang kalamangan, may 5.3 Segundo na lamang ang oras na natitira sa laban.

Nagtangka pang humirit ang Lady Warriors ng overtime ngunit hindi umabot ng ring ang ibinato ni Ruthlaine Tacula na desperation three-pointer.

Makakatunggali ng Lady Eagles ang twice-to-beat De La Salle sa second step-ladder sa darating na Miyerkules sa Mall of Asia Arena para sa karapatang harapin ang thrice to beat at defending champion National University (NU) sa title round.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Anak ng dating PBA player at dating University of Santo Tomas (UST) standout na si Bobby Jose, natapos si Danica na may 17-puntos, 8 rebound at 4 assist habang nagdagdag din ng 17-puntos si Hazelle Yam, 13 dito ay isinalansan niya sa first half.

Namuno para sa UE si Tacula na natapos din na may 17-puntos at 12 rebound kasunod si Love Joy Sto. Domingo na may 16-puntos at 8 rebound. (MARIVIC AWITAN)