May 22, 2026

Home FEATURES Trending

Bagong graduate na kinakawayan tatay niyang bilanggo, nagpaantig sa puso

Bagong graduate na kinakawayan tatay niyang bilanggo, nagpaantig sa puso
Photo courtesy: kayeeeee116 (TikTok screenshot)

Naantig ang netizens sa isang viral video sa TikTok kung saan makikita ang isang babaeng nakasuot ng graduation toga habang kumakaway sa isang lalaki sa isang gusaling may mga rehas, habang ipinakikita ang hawak na diploma holder. 

Batay sa ulat ng isang lokal na online news outlet, ang nasabing babae sa TikTok reel ay anak ng lalaking nasa loob ng gusaling tila piitan.

Sa nabanggit na video, mapapanood na kumaway-kaway ang anak upang ipakita ang kaniyang college diploma sa amang nasa likod ng mga rehas gusali, habang suot ang kaniyang kumpletong graduation toga.

Habang ang ama naman, sa kabilang banda, ay makikita ring kumakaway pabalik sa anak. 

Makikita rin sa video na may isa pang babaeng nakapostura ang lumapit sa anak na bagong graduate, na tila naiiyak rin sa naganap na reunion ng mag-ama. 

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Kaya komento ng netizens, tila may naghihiwa ng sibuyas habang pinapanood nila ang reel dahil naiyak sila sa mini reunion ng mag-ama. 

“grabi naman pinaiyak mo ako congrats.”

“bat mo'ko pinapaiyak? close ba tayo??”

“soft heart are you ok?.”

“Bat ako nakaiyak d ko naman kayo kamag anak.”

“SOBRANG NAKAKAPROUD .”

“I'm sure your father must be so proud. Congratulations po, ate!”

Habang may ilan din namang nagbahagi rin ng kanilang personal na graduation story sa comment section. 

“gantong ganto ako dati dami ko award tas wala pumunta tapos ng graduation ko pinuntahan ko mga magulang ko sa Himlayan nila dun ako umiyak ng umiyak pinakita ko lahat ng natanggap ko ngayon isa na kong civil engineer.” 

“this is so me nung graduation ko nung g6 pa ako,nakulung papa ko march 4 tapos birthday ko march 7...tapos nung graduation ko wla sha dahil nasa kulungan at hindi pa kami pwde dumalaw dahil bawal pa kasi bago palang si papa nakulung non.”

Gayunpaman, ilang netizens ang napatanong kung bakit kinailangang hanggang sa labas lang bumisita ang anak; saad ng ilang netizens, may partikular na araw at oras lamang na nakalaan sa pagbisita. 

Habang may isang netizen na nagsabing ang mga ganitong espesyal na okasyon ay dapat exception sa batas ng pagbisita kahit saglit dahil maituturing itong milestone ng isang kapamilya. 

“Sana sa mga ganitong pagkakataon, maging makatao, graduation, birthday, the most special occassion may exception to the rule. Lalo na ang graduation. Bigyan nawa ng pagkakataon na personal na makausap, mayakap kahot saglit sa very significant milestone. Sana lang.”