May 22, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Ruta ng PUJs na may libreng sakay sa lungsod ng Maynila

ALAMIN: Ruta ng PUJs na may libreng sakay sa lungsod ng Maynila
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ni Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso noong Biyernes, Marso 27, na nakapagkasunduan na ng Manila local government unit (LGU), operators, at jeepney drivers sa lungsod ang implementasyon ng libreng sakay para sa mga komyuter sa Maynila.

Alinsunod sa inisyung Executive Order (EO) No. 14, Series of 2026, lokal na pamahalaan na ang sasagot sa kita ng mga tsuper, kapalit ng programang libreng sakay para sa mga pasahero.

Ngunit saan-saan ba ang mga rutang kabilang sa programang libreng sakay ng Manila LGU?

Ayon sa inilabas na ulat ng Manila Public Information Office nitong Linggo, Marso 29, narito lamang ang mga rutang sakop ng naturang programa.

- Don Bosco – Juan Luna – Divisoria

- Dandan Street – Velasquez

- Divisoria – Velasquez

- Dasma – Divi – Velasquez

- Bangkusay – Divisoria

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

- Blumentritt – Antipolo – Balut

- Tayuman – Lardizabal

- P. Guevarra – Tayuman – Pritil

- Gastambide – Divisoria – Morayta

- Lealtad – Quiapo

- Balic-Balic – Quiapo

- Blumentritt – Quiapo

- España – Blumentritt

- Pandacan – Escoda

- Singalong – Leon Guinto – P. Ocampo

- Agoncillo – Guadalupe

- Plaza del Carmen – SM Manila

- Pandacan – Leon Guinto

- Pandacan – Sta. Cruz

- Paco – Rotonda- Bacood – Stop & Shop – Quiapo

- Sta. Ana – Faura

- Guadalupe – Pedro Gil – Faura

- San Andres – Faura

Photo courtesy: Manila Public Information Office/FB

Gaano naman ang itatagal ng libreng sakay ng Manila LGU at PUJs?


Base sa ulat ng lokal na pamahalaan, tatagal lamang ang libreng sakay sa loob ng limang araw. Ikakasa ang nasabing programa sa darating na Lunes, Marso 30; Martes, Marso 31; Lunes, Abril 6; Martes, Abril 7; at Miyerkules, Abril 8.

Nagpaalala rin sila sa mga komyuter sa lungsod na sumakay lamang sa mga jeepney na may karatulang “This PUJ is provided for by the City of Manila – LIBRENG SAKAY.”