May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Catholic leaders sa Jerusalem, limitadong pinayagan ng Israeli police na makapasok sa Holy Sepulchre

Catholic leaders sa Jerusalem, limitadong pinayagan ng Israeli police na makapasok sa Holy Sepulchre
Photo courtesy: via AP News

Pumayag na ang Israeli police na mapasok ng ilang Catholic priests at organizations ang Holy Sepulchre, matapos nila itong harangang makapagsagawa ng misa noong Linggo ng Palaspas, Marso 29, 2026.

Nitong Lunes, Marso 30, nilinaw ng Israeli police na mayroon na silang inaprubahang "limited prayer framework," na dumaan sa konsultasyon nila sa Latin Patriarchate of Jerusalem.

Tahasang kinondena ng Latin Patriarchate ang pagbarikada ng kapulisan upang makapagdasal sila sa Holy Sepulchre-ang lugar na pinaniniwalaang ipinako si Hesus.

"It's a very, very sacred day for Christians and in our opinion there was no justification for such decision or such an action," ani Latin Patriarchate of Jerusalem Spokesperson Farid Jubran.

Ayon naman sa Israeli police, ipinagbawal nila ang pagsasagawa ng mga misa sa Linggo ng Palaspas bunsod umano ng banta sa seguridad dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Israel, United States kontra Iran.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Matatandaang nauna nang inihayag ng Latin Patriarchate ang pagkansela nila ng tradisyunal nilang prusisyon mula sa Mt. Olive patungong Jerusalem tuwing Linggo ng Palaspas, bunsod ng banta ng giyera.

KAUGNAY NA BALITA: Tradisyunal na prusisyon ng Palm Sunday sa Jerusalem, kanselado dahil sa banta ng giyera

Samantala, bilang isa sa mga bansang kinikilala bilang sentro ng paniniwala ng Kristiyanismo, kinumpirma din ng Latin Patriarchate of Jerusalem na nananatiling limitado ang mga aktibidad sa mga banal na lugar na pinaniniwalaang may kaugnayan sa naging buhay ni Hesus sa mundo.

Anila, “Even during these days, although access to the Basilica is restricted to the faithful for security reasons, prayer continues unceasingly in the Holy Places.”