Anja Aguilar (2) copy

ANG mga pagpupunyagi ni Anja Aguilar na magtagumpay bilang solo artist ay kinakitaan na ng magandang resulta. Ang bago niyang single na Labis Kitang Mahal mula sa album niyang Beginnings ay tumatanggap ng favorable feedbacks.

Isa ito sa most requested songs sa FM radio at ang video is on rotation basis sa MTV Pinoy.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Si Anja ay produkto ng Little Big Star contest ng ABS-CBN a few years back at naging champion sa teen division.

Naging bahagi si Anja ng sing-and-dandce group na Pop Girls together with original members Nadine Lustre, Shy Carlos at Rose Van Ginkle. Kalaunan ay nagpasiyang mag-solo si Anja.

Contract artist ng Viva Records si Anja at nakapag-release na ng dalawang album: a self-titled one at ang kalalabas pa lamang na Beginnings. (REMY UMEREZ)