RYAN AGONCILLO copy copy

SIMULA sa third week ng December, mapapanood na si Ryan Agoncillo as host ng Philippine edition ng Cab Cash sa AXN. Si Ryan ang tinatawag na counterpart ni Oli Pettigrow.

Kahit hindi fans ni Ryan, natuwa sa pagkakapili sa kanya para maging host ng Philippine edition ng Cash Cab. Wish naman ng fans ng aktor, makasakay sila sa cab na ida-drive ni Ryan.

Sekreto ang negosasyon at pakikipag-meeting ni Ryan sa mga taga-Cab Cash, kasama ‘yun sa kontratang pinirmahan ni Ryan at ng manager niyang si Noel Ferrer. Pero ngayon, puwede nang isulat ang tungkol dito dahil malapit na ang airing.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nakatutuwa ang post ni Ryan sa Instagram (IG) na, “Baby no. 3 on the way! Time to take an extra job #cashcab #axnphilippines #theonlycabthatpaysyou #manongdriver.”

Ang baby number three na tinutukoy ni Ryan ay ang baby girl na ipinagbubuntis ng asawang si Judy Ann Santos at naka-schedule manganak early January 2016. Luna ang ipapangalanan nina Ryan at Judy Ann sa kanilang third baby, na isang girl.

Sa ngayon, Monday to Saturday napapanood si Ryan sa Eat Bulaga at sa family sitcom ng GMA-7 na Ismol Family every Sunday. (Nitz Miralles)