markki1 copy

“CHEAPER version ako ni Martin Nievera, kasi mahal sila kaya kinukuha ako for lower price as host at the same time singer na rin,” diretsong sabi ni Markki Stroem nang makatsikahan namin sa presscon ng The Big One: All Star Cast Concert, fundraising project ng Philippine Red Cross Rizal Chapter in cooperation with Aqueous Events na gaganapin sa Nobyembre 27 sa Ynares Sports Arena, Kapitolyo, Pasig City.

 

Sabi namin kay Markki, masyado naman niyang minaliit ang sarili sa pagkakasabi ng ‘cheaper version.’

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Totoo naman, ‘pag nagpapakilala nga ako, ‘hi this is Markki Stroem I hope you enjoyed my performances’ ‘tapos ‘hi guys, this is Markki Stroem, your host for this evening.’ Mga corporate events na kailangan ng inglesero, so normally, 3–4 events ako per week,” kuwento ng Cornerstoner talent.

 

Marami sigurong nagtataka na hindi naman nababasa masyado ang pangalan ni Markki sa mga pahayagan at wala rin siyang regular show, pero kaliwa’t kanan ang projects at shows niya.

 

“Ano kasi, nakuha ko na ‘yung high-end, kung baga word of mouth na lang din, like kinuha ako ng Globe, Smart, recently nasa Scripts Trade Launch (Food Network, Lifestyle Network) ako and then BIR, basta ‘yung mga ganu’n events.

 

“Usually gusto kasi nila jazz, eh, kumakanta naman ako ng ganu’n at standard songs like Fly Me To The Moon,” kuwento ng binata.

 

Priority pa rin ni Markki ang singing at hosting dahil ito raw ang bread and butter niya at on the side raw ang acting at kasama pala siya sa TV5’s Wattpad na nagtapos na noong nakaraang linggo at ngayon naman ay kasama siya sa pelikulang Buy Now, Die Later na entry ng Quantum Films sa 2015 Metro Manila Film Festival mula sa direksiyon ni Randolph Longjas.

 

Makakasama ni Markki sina Alex Gonzaga, Vhong Navarro, Rayver Cruz, John Lapus at marami pang iba.

 

“Horror movie siya at ako ‘yung kontrabida, actually indie film siya,” kaswal na sabi ng singer/actor/host.

 

Nalaman din naming nominado si Markki bilang best actor sa Aliw Awards para sa musical play na Paano Ako Naging Leading Lady ni Bituin Escalante.

 

Tulad ni Thor ay aktibo rin si Markki sa fundraising projects kaya nang alukin siya ng Aqueous Events para sa The Big One concert ay tinanggap niya agad dahil gusto rin niyang mag-give back sa blessings na natatanggap niya.

 

Bukod kay Markki, performer din sa The Big One concert sina Erik Santos, Richard Poon, Daryl Ong, Aaron Villaflor (All of Me), Richard Juan at Mikee Agustin ng PBB 737; The Voice of the Philippines top contenders Thor, Suy Galvez at Moira de la Torre; YouTube and social media sensations -Upgrade, Bassilyo, Zendee Tenerefe, Monterozo Twins at Yexel Sebastian; Pinoy Dream Academy finalist – Liezel Garcia; Philippine Idol semi-finalist – Gail Blanco-Viduya at Pinoy Pop Superstars finalist – Brenan Espartinez at marami pang surprise guests. (Reggee Bonoan)