Vice copy

MALAKAS ang ugong na hindi na raw aabutin sa pagtatapos ng taon ang It’s Showtime.

Mismong staff ng nasabing programa ang umamin sa isang kaibigan namin na nanganganib na hindi na abutin ng Pasko ang programa nila, huh!

Banggit pa ng aming source, may malaking pagbabago raw namang gagawin ang Dos para sa kanilang noontime programming. Kaya agad naming tinawagan ang kakilala namin sa ABS-CBN corporate communication.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Walang katotohanan po ‘yan. It’s not true. Tuloy pa rin ang programa,” sey agad ng kausap namin. 

Pero agad naman niyang binanggit na sa pagkakaalam daw niya ay sa Pebrero pa magkakaroon ng malakihang pagbabago sa pangtanghaling programa ng Dos. 

“Kahit na matanggal man o mapalitan ang show o maaring magkaroon ng major changes, eh, sigurado kami na si Vice Ganda pa rin ang magiging main host ng noontime show namin,” sey pa ng kausap namin sa kabilang linya. 

Siyempre, ang sinasabing dahilan sa balitang nalalapit ng pagkawala sa ere ng It’s Showtime ay ang napakalakas na Eat Bulaga na katapat lalung-lalo na ang kalyeserye nito.

“Naku, hayaan na natin sila, basta kami natutuwa pa rin dahil masayang-masaya pa rin naman ang mga tagahanga at ang mga taong nanonood ng programa dahil may mga napapanalunan silang mga gamit sa bahay bukod pa sa cash na naiuuwi nila agad,” sey ng kausap namin. 

Speaking of Vice Ganda, kapansin-pansin na sa lahat ng hosts ng Showtime ay siya ang paboritong pagpistahan sa social media ng fans ng AlDub. (Jimi Escala)