Isang bagong grupo na susupil sa ipinagbabawal na gamot ang bubuuin ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagbuwag sa Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOFT) ng pulisya.

Naglabas ng resolution si Department of Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento, tumatayong chairman ng National Police Commission (NAPOLCOM), na nag-uutos kay PNP chief Director General Ricardo Marquez na bumuo ng isang bagong anti-illegal drugs group upang makatulong sa Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsugpo sa operasyon ng llegal drug sa bansa.

Batay sa inilabas na Resolution No. 2015-547 na nilagdaan ni Sarmiento, inaatasan si Marquez na bumuo ng isang anti-illegal drugs group na pamumunuan ng isang senior superintendent. Magkakaroon ito ng sariling budget upang palakasin ang paghuli sa mga itinuturing na high value targets. (Fer Taboy)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'