Derek Ramsay (1) copy

HOW true ang tsika ng aming source na kaya raw pala tinanggihan ni Derek Ramsay ang offer na maging leading man ni Claudine Barretto sa teleseryeng gagawin nito sa TV5 ay dahil sa nangyaring away ng aktres sa ex-girlfriend ng aktor na si Angelica Panganiban noon pang 2010?

Yes, Bossing DMB, naikuwento sa amin na nasabit pala si Derek sa gusot nina Claudine at Angelica noong planong idemanda raw ang ex-girlfriend niya dahil sa pagkakalat nito ng tsismis na may lalaki siya at kaibigan pa mismo ng hunk actor.

“Hindi mo na ba na-remember na matindi ang away nina Claudine at Angelica because si Angelica ipinagkalat daw karelasyon ni Claudine ‘yung best friend ni Derek na si Martin Castro na kaibigan din ni Raymart Santiago.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

Kung baga, gumawa raw ng isyu that time si Angelica kaya hayun nag-away ang dalawang girl at nagulo ang relasyon nila, since then umiwas na si Derek sa mga ganyang isyu,” pagbabalik-tanaw ng aming source.

Hindi lang nabanggit ng source kung itinuloy na idemanda ni Claudine si Angelica.

“Kaya si Derek maski wala na sila ni Angelica, umiwas na rin siyang makasama o makatrabaho si Claudine, and besides, alam din naman siguro ni Derek kung paano mag-work si Claudine,” sabi pa.

So, maliwanag na, Bossing DMB na kaya tumanggi si Derek maging leading man ni Claudine ay dahil sa limang taon nang isyu na hindi na nakalimutan ng aktor. (REGGEE BONOAN)