Magkakaroon ang Sanman Promotions ng exciting boxing card sa Nobyembre 27 sa San Andres Fishing Industries (SAFI) compound sa Barangay Tambler, General Santos City.

“It’s actually a joint celebration of SAFI’s 44th anniversary and my 23rd birthday,” pahayag ni Sanman Promotions CEO Jim Claude Manangquil, na tinaguriang pinakabatang boxing-promoter manager.

Samantala, si Dexter “Wang Yu” Tan, ng SAFI, ang Chief Finance Officer ng Sanman.

Ang main event sa SAFI card ay ang World Boxing Federation Asia Pacific featherweight champion Rimar Metuda ng Sanman Stable at ang beteranong si Jaime Barcelona ng Bukidnon sa 10-round 126-eound match.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Si Metuda, na wala pang talo sa kanyang eight straight fight na walang tabla, ay dati nang nakaiskor ng 5th round technical knockout na panalo kontra kay Jason Tinampay nitong Setyembre 26 sa Gaisano Mall Atrium sa General Santos City.

Sa kabilang banda, si Barcelona ay may naitalang laban, subalit tinalo siya ni World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council featherweight title Chonlatarn Piriyapinyo sa unanimous decision bout noong Enero 2, 2009 sa Bangkok, Thailand.

Ang beteranong boksingero ay tinalo rin ni Philippine title-fight Vinvin Rufino sa unanimous decision noong Marso 25, 2009 sa Manila Hotel.

“This will be another good test for Metuda since Barcelona is a veteran fighter,” sabi ni Mananquil. (PNA)