BEIJING (Reuters) — Nagpakita ang China ng “great restraint” sa South China Sea sa hindi pagkubkob sa mga islang okupado ng ibang bansa kahit na kaya niya itong gawin, sinabi ng isang mataas na Chinese diplomat noong Martes.

Ang Beijing ay mayroong overlapping claims sa Vietnam, Pilipinas, Malaysia, Taiwan at Brunei sa South China Sea, na dinaraanan ng $5 trillion kalakal bawat taon.

Ngunit ang China ang tunay na biktima dahil “dozens” ng kanyang mga isla at bahura sa Spratlys ang illegal na inokupa ng tatlo sa mga claimant, sinabi ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin sa isang news conference sa Beijing.

“The Chinese government has the right and the ability to recover the islands and reefs illegally occupied by neighboring countries,” ani Liu.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“But we haven’t done this. We have maintained great restraint with the aim to preserve peace and stability in the South China Sea.”