DASMARIÑAS CITY, Cavite – Isang maybahay ang pinatay nitong Miyerkules, habang nasugatan naman ang anak niyang lalaki matapos silang pagsasaksakin ng isang kaanak na senior citizen na nabuwisit sa ingay ng kanilang pagbi-videoke sa Bautista Property sa Barangay Sampaloc IV sa siyudad na ito.

Namatay si Neria Abuda Recilla, 48, dahil sa isang saksak sa dibdib sa Saint Paul Hospital, habang nasaksak naman sa kaliwang binti ang anak niyang si Elpidio Recilla, 27, at dinala na sa De La Salle University Medical Center.

Inaresto naman ng mga rumespondeng pulis si Diogenes Abuda Salaudin, 63, pinsan ni Neria, at nakatira rin sa Bautista compound.

Ayon kay PO3 Fernando Angeles, dakong 5:00 ng hapon nang mangyari ang pag-atake, sa kasagsagan ng birthday party ng kapatid ni Elpidio, matapos sitahin ng suspek ang maingat na pagbi-videoke ng mag-iina.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Sinabi pa ni Angeles na matagal nang may away ang pamilya ng suspek at pamilya ni Neria. (ANTHONY GIRON)