Pinagtibay ng House Committee on Ways and Means ang panukalang nagpapataw ng P10 buwis (excise tax) sa soft drinks na naglalayong maisulong ang pagkakaroon ng malulusog na Pilipino at makapagkaloob ng dagdag na P34.5 bilyong revenue para sa pamahalaan. Inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Rep. Romero S. Quimbo (2nd District, Marikina City) ang ipinalit na panukala sa House Bill 3365 na inakda ni Rep. Estrellita B. Suansing (1st District, Nueva Ecija) matapos ang mahigit isang taong pagdinig at pagpupulong sa nasabing panukala.

Ayon sa Department of Finance, kapag naisabatas ang panukala, ang retail price ng soft drinks sa mga lokal na pamilihan ay maaaring tataas ng P3.7 sa P16.8, habang ang presyo ng sports at energy drinks, gaya ng Cobra, ay tataas ng P3.9.

Binanggit ni Suansing na may mga pag-aaral na nagsasaad na ang pagkonsumo ng soft drinks ay nagdudulot ng problemang pangkalusugan gaya ng blood sugar disorder, obesity, diabetes, bone fracture, hyperacidity, tooth decay at sakit sa puso. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual