James at Nadine copy

PAGHIHIWALAYIN na raw ang tambalang James Reid at Nadine Lustre?

Blind item ang pagkakasulat na pinaghihiwalay na raw ng management ang JaDine dahil natatalo na nito ang original love team ng isang network na obviously ay ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tinutukoy.

Ayon pa sa tsika, hindi raw kasi ini-expect ng management ng network na sobrang lakas ngayon ng bagong love team, bagay na hindi raw nagustuhan kasi nga hindi naman ito contract artist ng nasabing network dahil Viva Talent Agency ang nagma-manage kina James at Nadine. Samantalang ang KathNiel ay alaga naman ng ABS-CBN Star Magic.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hindi sana namin ito papatulan pero tukoy ang pagkakasulat at halatang sinisiraan ang JaDine kasi nga malakas ang On The Wings Of Love.

Malakas at consistent din ang ratings ng Pangako Sa ‘Yo at higit sa lahat, mas nauna na ang KathNiel kaya ano ang problema? Hindi ba puwedeng parehong suportahan na lang ang dalawang love team?

Saan ba ipinalalabas ang OTWOL, hindi ba’t sa ABS-CBN din, kaya bakit kailangang paghiwalayin ang JaDine?

Samantala, naibulong sa amin ng aming source na may kinalaman daw ang isyung ito sa pagpirma ni Boss Vic del Rosario sa TV5 bilang content provider na kapalit ni Ms. Wilma V. Galvante.

“Eh, kasi mahahati na ang loyalty ni Boss Vic between TV5 and ABS-CBN, siyempre, gusto niyang palakasin ang TV5 habang nakaupo siya kaya ang tendency puwede niyang ipahiram o dalhin ang JaDine o sina Anne Curtis, Cristine Reyes at Sarah Geronimo sa TV5,” paliwanag sa amin.

Nagulat kami sa anggulong ito kaya ang balik-tanong namin, hindi ba’t nakakontrata ang mga nabanggit sa ABS-CBN?’

“Hanggang 2016 na lang ang kontrata nila,” mabilis na sagot sa amin.

Hmmm, sa madaling salita, kabado ang ABS-CBN kung papayagan pang i-renew ni Boss Vic ang mga alaga niya sa nasabing network?

Diretsong sabi namin sa aming source, “Wala bang say ang mga nasabing artists kung gusto nilang mag-renew at ayaw nilang lumipat ng network?’

Susme, ilang malalaking artista na ang sumubok sa TV5, pero ano ang nangyari, nawalan sila ng careers kaya ang ending bumabalik sila sa ABS-CBN, di ba, Bossing DMB?

Kasalukuyang namamayagpag ang lahat ng Viva artists sa Kapamilya Network at ang gaganda ng projects at hindi sila nawawalan.

Going back to JaDine, naniniwala naman kami na hangga’t kumikita ang network sa kanila at panalo sa ratings game ang On The Wings Of Love ay hindi sila paghihiwalayin?

Magsuportahan na lang kasi. Buti pa ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) hindi apektado. (REGGEE BONOAN)