VATICAN CITY (AP) — Sinabi ng Vatican noong Lunes na inaresto nito ang isang paring may mataas na katungkulan at isang miyembro ng papal reform commission sa imbestigasyon sa nabunyag na mga confidential document – isang nakagugulat na hakbang bago ang paglalathala sa dalawang librong nangangako ng mapanirang rebelasyon tungkol sa mga balakid na kinaharap ni Pope Francis sa pagsasaayos sa pananalapi ng Holy See.

Sina Monsignor Lucio Angel Vallejo Balda, Spaniard; at Francesca Chaouqui, Italian public relations executive, ay nagsilbi sa binuwag nang financial reform commission na itinayo ni Francis noong 2013 bilang bahagi ng kampanyang linisin ang house sa Vatican, lalo na sa economic affairs nito na nabahiran ng mga eskandalo.

Ang dalawang adviser ay personal na pinili ni Francis para tumulong sa pagreporma sa pananalapi ng Vatican sa layuning gamitin ang pera para tulungan ang mahihirap.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina