NAKAKATUWA ang AlDub Nation, patuloy silang nagri-research kung destiny ba talaga ang pagtatagpo ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.
Ilang buwan na nag-stay si Maine sa New York nang mag-OJT siya sa isang hotel doon para sa Culinary Arts course na kinuha niya sa College of St. Benilde ng La Salle University. Isang AlDub fan ang naka-research na may dalawang cities sa New York na ang pangalan ay Alden at Maine. Officially stated daw na 2.59 hours ang pagitan ng dalawang siyudad kung binibiyahe by car. So, ikinonek nila ang oras sa 16 (2+5+9) na significant sa AlDub dahil iyon ang date (July 16) nang mabuo ang team na linggu-linggo ay nagsi-celebrate ng weeksary at tuwing 16th of the month, ng monthsary. Naniniwala ang fan na fate na talaga ang naglapit kina Alden at Maine.
Kilala ang Alden Shoes sa New York, at kilala naman ang Maine ng mahihilig sa snowboarding dahil kilala ito sa slopes at deep snow.
Ginagawa rin namang pang-alis ng homesickness ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang panonood nila ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Isang OFW na nagtatrabaho sa isang car company ang nag-post sa Twitter na masaya sila ng kapwa niya Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa kapag may mga dumarating na customers na magti-test ng kanilang mga ginawang sasakyan. Gustung-gusto nilang ang i-test ng customers ay ang busina ng sasakyan at kapag may nag-test daw, sasabihin nila, “pare, ayan na sina Yaya Dub at Lola Nidora (Wally Bayola).” Siguro sinasabi rin nila na, “ayan na si Lola Tidora (Paolo Ballesteros)” or “ayan na si Lola Tinidora (Jose Manalo).”
Truly, maraming magagandang story ang mga OFW tungkol sa kalyeserye na mata-touch tayong nakakabasa nito.