Bubuksan ng European Union ang Higher Education Fair sa Sabado, Nobyembre 7, upang mabigyang-daan ang mga Pinoy para makapag-aral sa mga unibersidad sa Europe.
“The main objective of the fair is to give Filipino students the opportunity to learn more about the endless opportunities offered by European universities and to get immediate and direct answers from their representatives who will be present at the fair,” ani EU Ambassador Mattias Lentz.
Aniya, 27 higher education institution sa Belgium, Czech Republic, Denmark, France, Germany, Hungary, Ireland, Italy, Netherlands, Spain, Sweden at United Kingdom, ang mag-aalok ng iba’t ibang kurso, at ang mga estudyante ay maaaring maging scholar, gaya ng Erasmus Mundus.
Idinagdag ni Lentz na bukod sa edukasyon, layunin din ng fair na mapaigting ang relasyon ng Europa at Pilipinas sa iba’t ibang larangan, gaya ng kalakalan at partnership. (MAC CABREROS)