Ipinaramdam ng Pacquiao Powervit Pilipinas Aguilas ang kanilang presensiya sa ASEAN Basketball League (ABL) nang ilampaso nila ang fellow rookie team na Mono Vampire Basketball Club ng Thailand, 79-78, noong Huwebes ng gabi sa gitna ng maraming manunuod sa University of Southeastern Philippines gym.
Nakaungos ang Aguilas 21-19 sa first quarter pero tumabla ang Vampires sa 36-all makaraan ang second canto. Nagawa pa ng Vampires ang manguna at makaungos sa malaking iskor na 12 puntos, 43-55 sa huling 1:30 ng third quarter.
Subalit ibinaon lahat ito ni dating PBA Val Acuna sa kanyang dalawang triple kabilan na ang buzzer beating trey sa last 2.3 segundo, dahilan upang madoble ang kanilang puntos, 53-55.
Inilubog naman ni Eric Salamat ang dalawang free throw at nakaiskor si Arizona Reid ng layup upang mabawi ang kanilang pamumuno, 57-55.
Gayundin, nakuha ni Willie Miller ang tie na 62-all subalit sinagot naman ito ni Kannut Samerjai ng kanyang sariling triple upang kakuha ng Vampire ang puntos, 62-65.
Nasungkit ni Charles Mammie ang atensiyon ng mga fan sa kanyang two-handed slam. Nakaiskor si Reid sa layup at nabawi ni Mammie ang isa pang slam dahilan upang mamuno ang Aguilas 72-69 sa 2:03 naiwang segundo.
Ang mga iskor:
Pacquiao Powervit Pilipinas (79): Reid 21, Mammie 14, Miller 12, Acuna 10, Salamat 8, Salvacion 7, Salvador 4, Elorde 3.
Mono Vampire (78): McClain 28, Kruatiwa 17, Apiromvilaichai 11, Samerjai 10, Klahan 4, Sunthonsiri 3, Muangboon 3, Sekteera 2. (PNA)