ILANG taon na ang nakalipas nang ako ay maging assistant parish priest sa St. Jude Shrine malapit sa Malacañang.

Nakilala ko ang isang babae na nagre-review para sa kanyang bar exam. Sinabi niya sa akin na nakatakda siyang kumuha ng exam at nakiusap na ipagdasal ko siya.

“Natatakot po ako; ito ang unang beses na kukuha ako ng exam at pakiramdam ko hindi ako handa,” sabi ng babae.

Matapos niyang kumuha ng exam at may resulta na, hinanap ko ang kanyang pangalan at nandoon nga. Nakapasa siya. Ang ikinalulungkot ko ay matapos niyang pumasa ay hindi ko na siya muling nakita. Umasa ako na babalik siya upang magpasalamay kay St. Jude.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Babalik siguro siya kapag hihiling siya ng mabuting mapapangasawa,” sabi ko sa aking sarili.

* * *

Naging mahirap para kay Celia (hindi niya tunay na pangalan) ang kanyang buhay pag-aasawa matapos umalis ng kanyang asawa para magtrabaho sa Japan. “Nabalitaan ko na may ka-live in siya roon,” ani Celia. “Madalas kami magkausap noon ngunit hindi nagtagal ay nahinto nang tuluyan. Nagbago na siya noong huli siyang umuwi para magbakasyon. Ni hindi siya umuwi sa amin.

“Nais ko pa ring mabuo ang pamilya. Kaya imbes na sumuko, nag-novena ako kay St. Jude tuwing Thursday umulan o umaraw, bumibiyahe mula Meycauayan, Bulacan papuntang San Miguel, Manila.”

Kailan lamang nang makilala ko si Celia, siya ay masayang-masaya at nananabik nang tawagan siya ng kanyang asawa ng “hindi inaasahan” at sinabihan siyang “kumusta?” “Bukod pa doon, sinabi niya na nangungulila siya sa aming pamilya at sinabing uuwi siya sa Pasko.

“Nang siya ay magpakita matapos ang mahabang panahon na kami’y abandonahin niya,” paggunit ni Celia, “naging iba at malamig ang pakikitungo ng mga bata. Noong una, naging malamig din ako sa kanya. Ngunit nang malaman ko na nagsisisi na siya, muli naming siyang tinanggap ng mga anak ko.

“Father, naniniwala ako na ito ang kasagutan sa lahat ng ipinagdasal k okay St. Jude,” pahayag ni Celia.

Ito ang ilan sa mga testimonya sa miraculous intercession ni St. Jude Thaddeus, ang “Saint of the Impossible.”

* * *

PINSAN NI JESUS. Dahilan kung bakit may malakas na impluwensiya si St. Jude Thaddeus kay Jesus ay dahil siya ay pinsan nito.

***

ST. JUDE. Bukas, Huwebes, makiisa sa novena kay St. Jude, “Saint of the Impossible,” sa Divine Word Shrine, Christ the King Seminary sa E. Rodriguez Boulevard sa Quezon City pagkatapos ng 6:00 p.m. mass. (Fr. Bel San Luis, SVD)