Dahil wala ang kanilang top gun na si Paul Lee, nakatagpo ang Rain or Shine ng di inaasahang gunner sa katauhan ng kanilang backup big man na si JR Quiñahan sa pagsisimula ng season.

Isang rugged defender, ipinakita ni Quiñahan, ang kanyang opensa sa unang dalawang laro sa season-opening week, upang tulungan ang Rain or Shine na makumpleto ang 96-87 come-from-behind na panalo kontra Star noong Miyerkules na sinundan ng panibagong matinding performance sa kanilang 108-94 panalo laban sa Mahindra pagkalipas ng apat na araw.

Ang dating University of Visayas star center ay nagtala ng team-high 17 puntos, 8 rebounds at 4 sa loob ng 27 minuto sa loob.

At para patunayan na hindi tsamba ang una niyang laro, nagtala ang Cebuano big man ng 14 puntos sa pamamagitan ng near perfect na 6-of-7 shooting sa 2-point zone, bukod pa sa 5 boards.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Malaking bagay talaga si JR sa amin. Lalo na kapag nagsasabay kami sa loob. Iyung inside presence niya kasi mahalaga saka nagko-complement kami,” anang kakampi nitong si Beau Belga.

Dahil sa kanyang ipinakitang heads-up performance si Quiñahan napiling gawaran ng unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week ngayong 41st season ng liga kung saan iningusan niya ang teammate na si Jericho Cruz.

Dahil sa kanilang 2-0 na panimula, inaasahang may buwelo na ang Rain or Shine sa susunod nilang laban sa Nobyembre 4 kontra defending Philippine Cup champion San Miguel Beer sa Mall of Asia Arena. (MARIVIC AWITIN)