Alden & Maine copy

NGAYONG Martes ang first day shooting nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza sa My Bebe Love na magkasama. Kahapon, ang kanilang pictorial para sa nasabing pelikula kasama sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas at iba pang cast ng pelikula.

Kaso, parehong off limit sa press at sa fans ang pictorial at ang shooting dahil tiyak nga namang sa halip na mag-pictorial at magtrabaho o mag-shooting, iinterbyuhin ng press sina Alden at Maine at walang tigil na kodakan naman ang mangyayari kung may fans. Tuluy-tuloy muna ang kanilang trabaho.

Nangako si Direk Joey Reyes na magpo-post ng behind-the-scene photos sa shooting ng dalawa para sa Aldub Nation.

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Samantala, curious ang AlDub Nation kung anong sapatos ang binanggit ni Maine na iniregalo sa kanya ni Alden nang sorpresahin niya at tawagan si Alden sa Sunday Pinasaya noong Sunday. Ang hinala ng fans, ang white rubber shoes na suot ni Maine sa dance number nila ang regalo sa kanya at dahil pareho sila ng shoes, ang tawag ng Aldub Nation ay couple shoes ‘yun.

Dahil sa pagtawag ni Maine kay Alden, nabuking tuloy na pareho silang late natulog noong Sabado dahil magkausap sila sa phone. Gustong malaman ng AlDub Nation kung matagal nang nag-uusap sa phone ang favorite love team nila.