Kalahating dosena ng mga pinuno ng estado ang nakipagsanib-puwersa sa mga lider ng estado, lungsod at mga korporasyon noong Lunes upang ipanawagan ang mas malawak na pagpatibay sa mga patakaran sa carbon pricing bago ang United Nations climate change summit sa Paris sa Disyembre.

Kabilang sina German Chancellor Angela Merkel, Philippines President Benigno Aquino III at French President Francois Hollande sa mga lider ng mundo na naglabas ng joint statement sa pamamagitan ng World Bank na humihimok sa mga gobyerno at mga negosyo na magtayo ng mga carbon market at tax carbon emission.

Magpupulong ang mga kinatawan ng 190 bansa sa Bonn, Germany, ngayong linggo, para sa last-round discussions sa lengguwahe ng global climate change agreement. Oobligahin ng pandaigdigang kasunduan ang mga umuunlad at mauunlad na bansa na magpatibay ng mga polisiya upang mabawasan ang carbon emission. (Reuters)

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude