Dennis Trillo

Ni REMY UMEREZ

SUMAGI sa isipan namin si Martin Scorcese nang una naming mapanood ang trailer ng Felix Manalo dahil may hawig ito sa mga pelikulang idinirehe niya na pawang grandioso in scope. Iyon nga lang, lagi siyang iniisnab during Oscar awards at nito na lang sa kanyang katandaan siya pinapanalo bilang best director.

Sa Felix Manalo, only the best in the field of movie-making ang pinili kaya maituturing na world-class ang kalidad nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kabilang sa production team ang mga sumusunod na bigating pangalan: Rody Lacap, (photography), Edgar Littaua, (produktion design), Danny Red (set design),Joel Marcelo Bilbao (hair at make-up), Von de Guzman (musical director) Albert Mihal Idioma (sound engineer), John Wong (film eidtor) at assistant directors Arman Reyes at Julius Alfonso.

Ambisyoso at pinagkagastusan ng milyones ang centennial na pelikula na ang bida ay si Dennis Trillo. Tinatalakay nito ang pagsilang at paglawak ng INC sapul 1914. Inilalahad din ang mahahalagang kabanata sa buhay ni Ka Felix bilang pangkaraniwang tao, mabuti at mabait na asawa at ama at agresibong mamumuno.

Ngayon pa lang, inaasahan nang magtatalo ito ng maraming records sa local movie industry.