Isang mag-asawa ang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Rolando Batoto, 35, empleyado ng isang law firm, at Nina Batoto, na naninirahan sa 503 Geronimo St. cor. G. Tuazon St. sa Sampaloc, Manila. Nagtamo sila ng mga tama ng bala sa balikat at dibdib na agad nilang ikinamatay.

Batay sa ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), pasado 2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen. Tumakas ang suspek, inilarawang matangkad at nakasuot ng itim na jacket, lulan ng isang puting kotse, na hindi naplakahan. Hindi pa nababatid ang motibo sa krimen.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?