MASAMA pala ang loob ng ilang malalapit kay Toni Gonzaga sa ABS-CBN management sa hindi pagkakatuloy ng TV host/actress sa Your Face Sounds Familiar. 

Nagtampo sila nang malaman nila na isa pala si Toni sa orihinal na pinili para maging celebrity judge sa nasabing programa. 

Pero dahil sa pagbabalik sa ABS-CBN ni Sharon Cuneta, para mabigyan agad ng project ang megastar, biglang tsinugi si Toni. 

Kumbaga, gustuhin man o hindi ni Toni ay wala siyang magagawa kundi pagbigyan ang pakiusap sa kanya ng management.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Siyempre, kailangang magbigay daan si Toni sa nagbabalik kapamilyang si Sharon Cuneta. 

Ayon sa source namin sa Dos, totoong isa sa gagawing TV show ni Toni bago siya ikasal ang Your Face Sounds Familiar. 

Totoo rin daw na dahil nga biglang pumasok uli sa bakuran ng Kapamilya Network ay ibinigay kay Ate Shawie ang assignment na nakalaan para sa kanya at wala nga raw nagawa si Toni, huh!